MANILA, Philippines — Inihayag ng Bureau of Animal Industry (BAI) na naitala ang unang kaso ng Q fever sa bansa.
Ang sakit, na pangunahing nakakaapekto sa mga baka, tupa at kambing ay maaaring makuha ng mga tao sa pamamagitan ng paglanghap ng kontaminadong alikabok.
Dagdag pa rito, ang sakit sa tao ay nagdudulot ng panginginig, lagnat at pananakit ng kalamnan at maaaring kung hindi ginagamot ay maging mga komplikasyon sa atay at puso.
Ang mga kambing na nagpositibo sa sakit ay karamihan sa Santa Cruz, Marinduque, ayon kay Dr. Christian Daquigan, officer-in-charge ng National Veterinary Quarantine Services Division ng BAI.
Batay naman sa ulat ng National Institutes of Health (NIH) na ang Q fever ay isang sakit na dulot ng bacterial pathogen Coxiella burneti na mabilis na kumalat sa pamamagitan ng hangin.
Agad na magpa-laboratory test ang sinumang indibidwal ang nakakaranas ng naturang mga sintomas ng sakit.