MANILA, Philippines — Matapos ang sunud-sunod na pagpapatupad na oil price hike, magkakaroon naman ng rollback o bawas presyo ng mga produktong petrolyo sa sunod na linggo.
Ayon sa mga oil players, may pagbaba ng 93 sentimo kada litro ang presyo ng gasolina samantalang aabutin ng P1.49 per liter ang baba sa presyo ng diesel kada litro at P1.46 per liter naman ang baba sa presyo kada litro ng kerosene.
Sinasabing ang galaw ng presyuhan ng produktong petrolyo na nagdaang apat na araw na trading ang ugat ng oil price rollback.
Tuwing Martes, ipinatutupad ang oil price adjustment.