Presyo ng baboy, tumaas

Pork prices are expected to go up due to import limits.
STAR / File

MANILA, Philippines — Iniulat ng Pork Producers Federation of the Philippines Inc. (PPFP) na tumaas ang presyo ng karne ng baboy sa mga pamilihan dahil sa tumaas na farm inputs at production costs.

Sinabi ni PPFP president Rolando Tambago na ang  farm-gate price ng baboy ay tumaas sa  average na P210 per kilo o  may dagdag na P120 per kilo hanggang P150 per kilo ng farm-gate price.

Aniya sapat naman ang suplay ng karne ng baboy sa mga pamilihan pero tumaas lamang ang farm-gate price ng baboy dahil sa mataas na gastos sa farm inputs at transportation cost.

“Logistics and inputs are the problem, that’s why the price of pork is higher,”sabi ni Tambago.

Binigyang diin nito na dapat pag aralan ng pamahalaan ang gap sa pagitan ng mga sakahan at retailers upang walang magmanipula sa halaga ng produktong baboy dahil sapat ang suplay nito sa bansa

Pumapalo sa P320 hanggang P350 ang kada kilo ng karneng baboy sa ngayon sa mga pamilihan.

Show comments