2 SAF sa escort raket sa Chinese, inilagay sa restrictive custody

UNDER RESTRICTIVE CUSTODY. Two Special Action Force commandos Cpl. George Mabuti and Pat. Roger Ramos Valdez are now under restrictive custody at the SAF headquarters in Laguna on Wednesday (May 22, 2024). The two who were discovered to be working as unauthorized security escorts of a Chinese national are facing alarm and scandal charges for engaging in a fistfight inside a posh village in Muntinlupa City on May 18.
Photo courtesy of PNP Public Information Office

MANILA, Philippines — Inilagay na sa restrictive custody ng Philippine National Police-Special Action Force (PNP-SAF) ang dalawa nilang tauhan na sangkot sa escort raket ng isang Chinese national.

Ayon kay PNP Public Information Office Chief, PCol. Jean Fajardo, ito’y makaraang ipag-utos ng Muntinlupa City Prosecutor’s Office ang pagpapalaya kina  Cpl. George Mabuti at Pat. Roger Valdez  sa Muntinlupa City Police Station  habang  nagsasagawa ng imbestigasyon.

Matapos na makalaya sa kulungan ang mga sangkot na pulis ay agad itong ipinasundo ng liderato ng SAF para dalhin sa kanilang punong tanggapan sa Fort Sto. Domingo sa Sta. Rosa, Laguna.

Matatandaang na­bisto ang “raket” ng da­lawang SAF commando matapos magsuntukan sa Ayala Alabang Village sa Muntinlupa City noong May 18.

Sina Mabuti at ­Valdez ay nagsisilbing escort ng mga Chinese official ng Philippine Offshore Ga­ming ­Operator (POGO). Mahaharap din sa kasong administratibo ang pitong opisyal kabilang ang battalion comman­der, company commander at platoon leader.

Show comments