Tingog Partylist nanguna sa RPMD survey

MANILA, Philippines — Sa isinagawang performance survey ng RP-Mission and Development (RPMD) Foundation ay lumabas na nanguna ang Tingog Partylist na pinamumunuan nina Reps. Yedda Marie K. Romualdez at Jude Acidre.

Nagpasalamat si Acid­re sa patuloy na pagkilala sa mga ginagawa ng Tingog Partylist upang mapabuti ang kalagayan ng mga Pilipino, lalo na ang mga mahihirap. Iniugnay ni Acidre ang tagumpay ng Tingog sa sama-samang hakbang ng mga opisyal at supporter nito para maisulong ang interes at kapakanan ng kanilang constituents.

Ayon sa non-commissioned survey na isinagawa mula Marso 18 hanggang 24, nakakuha ang Tingog Partylist ng 90.3 porsyento.

Tabla naman sa ikalawang puwesto ang Bicol Saro (87.8%),  Ang Probinsyano (87.6%),  Ako Bisaya (87.3%), Agimat (87.1%), at ACT-CIS (86.5%). Nasa ikatlong puwesto naman ang TGP (86.2%), at tabla sa ikaapat na puwesto ang Ako Bicol (85.1%), at ALONA (84.8%). Nasa ikalimang puwesto naman ang 4Ps (83.6%), Uswag Ilonggo (83.2%), at Marino (82.8%). Kinuha sa survey ang opinyon ng 10,000 respondents mula sa 67.75 milyong rehistradong botante sa bansa. Ang survey ay mayroong margin of error na +/-1% at confidence level na 95%.

Show comments