2 kolehiyala ginulpi ng Kano sa hotel

Humihingi ng down payment

MANILA, Philippines — Dalawang kolehiyala ang ginulpi ng kanilang ka-eyeball na Kano sa loob ng isang hotel, kamakalawa ng gabi sa Quezon City.

Positibong itinuro nina Rio, 22 at Ria, 28 kapwa graduating students ang suspek na si Mario Christopher Burke, 28, turista at tubong Homestead, Florida, USA.

Sa imbestigasyon, bago nangyari ang insidente alas-6:00 ng gabi nitong Miyerkules ay nagkakilala ang mga biktima at suspek sa isang dating application at nagkasundo na magse-sex.

Nakipagkita ang mga biktima sa suspek sa Dream World Hotel sa EDSA, Barangay Phil-Am, Quezon City.

Dito ay hiningan ng mga biktima ang suspek ng down payment na ikinagalit nito at nauwi sa pananakit sa dalawang estudyante. Agad namang nakahingi ng tulong ang mga biktima sa pulis na si PSSg Edgar Garcia ng QC 58 Alpha at binitbit ang suspek.

Nahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa RA 9262 Anti-Violence Against Women (VAWC) Act na kinasasangkutan ng dayuhan.

Show comments