MANILA, Philippines — Nasa kustodiya na ng Bureau of Corrections (BuCor) ang modelong si Deniece Cornejo na ipinasok na sa Correctional Institution for Women habang si Simeon Raz ay nasa Reception and Diagnostic Center ng New Bilibid Prison (NBP) matapos mahatulan ng reclusion perpetua ng Taguig Regional Trial Court kasama sina Cedric Lee at Ferdinand Guerrero.
Ito ang kinumpirma kahapon ni Bureau of Corrections (BuCor) Director General Gregorio Pio Catapang Jr. habang hindi pa natatanggap ng bureau ang commitment order para kay Lee, na sumuko sa National Bureau of Investigation (NBI) nitong Huwebes ng gabi.
Matapos matanggap ang commitment order, ang bagong commit na persons deprived of liberty (PDLs) ay idinadaan sa Reception and Diagnostic Center para sa initial interview at checkup.
Isasailalim sa Quarantine Cell sa loob ng 5 araw na walang visiting privileges, at susundan ng diagnostic procedure na kinabibilangan ng medical, sociological, psychological, educational at classification process sa loob ng 55 araw.
Inatasan ni Catapang NBP Supt., C/CINSP Roger Boncales kung saan dapat i-commit si Raz dahil hindi na tumatanggap ng bagong PDL sa NBP kaugnay sa patuloy na ginagawang decongestion program.