LRT-2 at MRT-3 magbibigay ng libreng sakay sa mga obrero sa Labor Day

MANILA, Philippines — May handog na lib­reng sakay ang pamunuan ng Light Rail Transit Line 2 (LRT-2) at Metro Rail Transit Line 3 (MRT-3), Department of Labor and Employment (DOLE) at Department of Transportation (DOTr) para sa mga manggagawa sa pagdiriwang ng Labor Day o Araw ng Paggawa sa Mayo 1.

Sa inilabas na abiso ng DOLE, nabatid na ang lib­reng sakay ay maaaring i-avail ng mga manggagawa mula 7:00AM hanggang 9:00AM at mula 5:00PM hanggang 7:00PM sa mismong Labor Day.

Kinakailangan lamang umano ng mga ito na magpakita ng kanilang company IDs upang maka-avail ng libreng sakay.

Nabatid na tatanggapin rin naman ang mga govern­ment-issued IDs kung walang company ID at nasa edad 18-anyos pataas.

Show comments