MANILA, Philippines — Sa loob ng 21 buwan na panunungkulan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ay ipinagmalaki ng administrasyon ang makabuluhang pagbaba ng crime rate sa bansa.
Ito ang iniulat ni Interior and Local Government Secretary at National Peace and Order Council Chairperson (NPOC) Benhur Abalos sa ginanap na Regional Peace and Order Council Meeting sa Malacañang.
Ayon kay Abalos na malaki ang inimprove ng peace and order situation sa bansa na mas mababang index crime volume mula sa 196,519 mula pre-pandemic period ng July 1,2016 hanggang Abril 21,2018 na 71,544 mula July 1,2022 hanggang Abril 21,2024.
Habang bumaba rin ang peace and order indicator sa katulad na panahon mula 531,917 mula Hulyo 1,2016 hanggang Abril 21,2018 kumpara sa 371,801 mula Hulyo 1,2022 hanggang Abril 21, 2024.
Bumaba rin ang average na buwanang crime rate mula sa katulad na panahon mula sa 21.92 sa 15.04.
Sa kabilang banda, bumaba rin ang focus crimes tulad ng theft, physical injury, robbery, rape, murder, carnapping, at homicide mula sa 196,420 sa 71,133 o 63.79% na binaba..