Chinese na kinidnap, nasagip; 4 kidnaper nadakip

MANILA, Philippines — Isang Chinese national ang nasagip habang ares­tado ang apat nitong kababayan, sa naganap na rescueoperation ng mga otoridad sa Parañaque City, kamakalawa ng gabi.

Kinilala ang biktima, si alyas “Zhang”, 35-anyos, na nabawi ng mga Parañaque City Police Sun Valley Sub-Station sa mga suspek na kinilalang sina “Wu”, 29 ; alyas” Fan”, 30; alyas “Liu”, 31 at alyas “Xueyu”, 33; pawang Chinese nationals, at mga empleyado sa isang POGO firm.

Sa ulat, alas-6:30 ng gabi nang salakayin ng mga tauhan ng Parañaque Police ang isang bahay sa Barangay Merville, Para­ñaque City, kasama ang live-in partner ng biktima na siyang nagbigay impormasyon para matunton ang lugar.

Inihahanda ng Para­ñaque City Police Station ang isasampang reklamong grave coercion at illegal detention laban sa mga nadakip na suspek.

Show comments