Marcos pasok sa ‘100 Most Influential People of 2024’ ng Time Magazine

President Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr. leads the 82nd anniversary of the "Araw ng Kagitingan" or Day of Valor at Mount Samat National Shrine in Pilar, Bataan on April 9, 2024.
Ryan Baldemor

MANILA, Philippines — Ito ay matapos na kilalanin ng Time Ma­gazine ang mga hakbang ni Pangulong Marcos sa economic recovery matapos ang pandemya at ang pagsusulong nitong iangat ang Pilipinas sa mundo.

Nakasaad sa 2024 Time 100 issue, na sa gitna ng mga hamon ay sinisikap ng pangulo na maibangon ang bansa.

Pinuri rin dito ang paninindigan ng Pa­ngulo sa pinag-aagawang teritoryo ng Pilipinas na West Phi­lippine Sea (WPS) sa gitna ng tumataas na tensiyon sa rehiyon.

Matatandaang nakapasok din sa 100 Most Influential People ng Time Magazine ang iba pang mga lider ng bansa tulad nina da­ting Pa­ngulong Rodrigo Duterte noong 2017 at dating Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino noong 2013.

Show comments