Sumali sa protesta, lumabag sa traffic violation…
MANILA, Philippines — Inihayag ni DOTr Secretary Jaime Bautista na bigo ang dalawang araw na transport strike ng grupong Manibela at Pinagkaisang Samahan ng mga Tsuper at Opereytors Nationwide (PISTON) nitong Lunes at Martes.
Tanging nagtagumpay lamang na nagawa ng mga ito ay ang paglikha ng matinding traffic sa ilang lugar sa ginawa nilang pagpoprotesta laban sa April 30 consolidation deadline sa ilalim ng Public Utility Vehicle Modernization Program (PUVMP).
Dagdag pa ng transport chief na ang mga sumali sa tigil-pasada ay maaaring liable rin sa mga traffic violations gaya ng obstruction of traffic.
Kaya nakatakdang rerepasuhin ng LTO, Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB), Metro Manila Development Authority (MMDA) at Philippine National Police (PNP) ang aksiyon ng mga protesters at aalamin ang mga kasalanang maaaring nagawa nila.
Binigyang-diin pa ni Bautista na ang mga protesters ay may karapatang ipahayag ang kanilang mga hinaing ngunit hindi naman aniya dapat itong nakakaabala at nakakaapekto sa riding public at sa mga motorista.