Truck driver na-heart attack, patay

Ang biktimang cargo truck driver na si Ramil Carillosa, 45, ay nasawi habang dinadala sa emergency room ng nasabing ospital.
STAR/File

SUV, tricycle inararo

MANILA, Philippines — Inararo ng cargo truck na minamaneho ng namatay na driver dahil sa atake sa puso ang isang sports utility vehicle (SUV) at tricycle sa harap ng Manila Medical Center (MMC) sa United Nations Avenue, Maynila noong Sabado.

Ang biktimang cargo truck driver na si Ramil Carillosa, 45, ay nasawi habang dinadala sa emergency room ng nasabing ospital.

Sa report ng Vehicular Traffic Section ng Manila District Traffic Enforcement Unit (MDTEU), bandang alas-5:00 ng hapon nang maganap ang insidente.

Sa pahayag ng pahinante, nagulat siya na habang nagmamaniobra ang driver biglang bumangga at huminto at nakita niyang nakasubsob na sa manibela ang biktima.

Papuntang Pulilan, Bulacan ang truck para mag-deliver ng trigo.

Maswerteng nakata­lon ang driver ng SUV na naghihintay lang sa kanyang amo na nasa ospital gayundin ang tricycle driver na naghatid din ng pasyente sa ospital.

Show comments