Bawas-singil sa kuryente, asahan ngayong Abril

Ayon kay Meralco Corporate Communications head Joe Zaldarriaga, may mga indikasyon na nagmumungkahi ng mas mababang rate ng kuryente para sa Abril partikular ang mababang generation at transmission charges.
File

MANILA, Philippines — Magandang balita para sa mga kustomer ng Manila Electric Co. (Meralco) dahil magpapatupad ito ng bawas-singil sa kuryente ngayong Abril

Ayon kay Meralco Corporate Communications head Joe Zaldarriaga, may mga indikasyon na nagmumungkahi ng mas mababang rate ng kuryente para sa Abril partikular ang mababang generation at transmission charges.

Noong Marso nang magtaas ng singil sa kuryente ang Meralco ng P0.0229 kada kilowatt-hour, na nagdala sa kabuuang rate sa P11.9397 kada kWh mula noong Pebrero na P11.9168 kada kWh.

Ang adjustment ay nagresulta sa bahagyang pagtaas sa kabuuang singil para sa mga residential na customer na kumokonsumo ng 200 kWh.

Ipinaliwanag ni Zaldarriaga na inaasahan nila ang pagbaba sa mga singil sa generation charges ay mula sa inaasahang pagbabawas sa mga gastos mula sa mga supplier ng natural gas, na naiimpluwensyahan ng mas mababang presyo ng liquefied natural gas (LNG).

Show comments