Guro na nag-viral sa panenermon sa mga estudyante, ’di paparusahan

MANILA, Philippines — Inihayag kahapon ni Vice President at Education Secretary Sara Duterte na ipinag-utos niya na huwag parusahan ang public school teacher na nag-viral sa social media matapos i-live sa TikTok ang panenermon sa kanyang mga estudyante.

Sa kabila na hindi paparusahan, pinaalalahanan ang guro na kapag galit ay mag-pause muna.

“Sinabihan ko ang regional office natin na there will be no penalties for the teacher. Just to remind the teacher that if she is angry, she has to pause. Itigil muna ‘yung klase and when she’s not angry anymore, saka siya magklase ulit,” pahayag ni VP Duterte sa isang ambush interview sa Cambodia.

Saad pa ng pinuno ng DepEd, lahat naman ng tao ay nagagalit kahit teacher pa ito.

Sinabi rin daw sa kanya ng guro na hindi nito alam na naka-online siya nang mangyari ang pagsaway niya sa mga estudyante.

Show comments