Pinoy na sundalo ng Israel todas sa pagsabog

A picture taken from Rafah on January 23, 2024 shows smoke billowing over Khan Yunis in the southern Gaza Strip during Israeli bombardment, amid continuing battles between Israel and the Palestinian militant group Hamas. The Israeli army said it had suffered its biggest single-day losses since the start of its ground war in Gaza amid growing pressure on the government to find a way to end the conflict.
AFP

MANILA, Philippines — Isang sundalong Pinoy na miyembro ng Israel Defense Forces (IDF) ang nasawi sa pakikipagsagupaan sa mga militanteng Hamas noong Lunes, ayon sa Philippine Embassy sa Tel Aviv.

Ipinabatid kahapon ng Israel Embassy sa Pilipinas na nasawi si Sergeant First Class (Reserves) Cydrick Garin, 23, ng 8208th Battalion ng 261st Brigade.

Si Garin at 20 iba pang sundalo ay nasawi nang mabagsakan ng gusali na pinasabog ng Hamas na itinuturing na pinakagrabeng pangyayari simula nang maganap ang giyera ng Israel sa Hamas sa offensive ground.

Pareho umanong Pinoy ang mga magulang ni Garin na ang ama ay tubong General Santos City at ang kanyang ina ay mula naman sa Isabela na naninirahan sa Tel Aviv.

Inayos na umano ng embahada ang mga dokumentong kakailanganin para makabiyahe patu­ngong Israel ang ama ni Garin.

Show comments