MANILA, Philippines — Ipinagmalaki ni Quezon City Police District (QCPD) Director PBGen. Redrico Maranan ang naitalang malaking pagbaba sa focus crimes na naitala sa lungsod.
Ayon kay Maranan, batay sa datos ng QCPD, bumaba sa 47.47% ang walong Focus Crimes sa Quezon City mula January 15-22, 2024 o katumbas ng 20 insidente lamang.
Kabilang sa walong Focus Crimes ang theft, rape, physical injury, murder, carnapping ng motorsiklo, carnapping ng motor vehicle, robbery, at homicide.
Bumaba rin ng 50% ang naitalang street crimes sa lungsod sa kaparehong period habang umabot naman sa 75% ang Crime Solution Efficiency (CSE) ng QCPD.
Sinabi ni Maranan na resulta ito ng pinaigting na Police visibility ng mga personnel nito partikular na ang Task Force-District Anti-Crime Response Team at bike patrollers.
Patunay rin aniya ito ng dedikasyon at pinaigting na kampanya ng pulisya sa lahat ng uri ng kriminalidad.