Marcos administration tagumpay sa WEF — Romualdez

Philippine's President Ferdinand Marcos Jr speaks during a session at the Congress centre during the World Economic Forum (WEF) annual meeting in Davos on January 18, 2023.
AFP / Fabrice Coffrini

MANILA, Philippines — Mapapasukang trabaho at karagdadagang mga investors ang umano’y layunin ng pagpunta ni Speaker Ferdinand Martin Romualdez at ng kanyang delegasyon sa 2024 World Economic Forum (WEF) sa Davos, Switzerland.

Dito ay matagumpay nitong naipakita sa mga foreign investor na dumalo sa WEF kung bakit sa Pilipinas sila dapat na maglagak ng pamumuhunan.

Sinabi ni Speaker Romualdez sa mga foreign investor na ngayon ang tamang panahon upang maglagak ng pamumuhunan sa Pilipinas at ibinida rin nito ang bagong tayong Maharlika Investment Fund (MIF) na siyang popondo sa mga malalaking proyekto na kailangan ng bansa.

Sa kanyang pagsasalita sa “Breakfast Interaction with the Philippine Delegation” sa 2024 WEF roundtable discussion sinabi ni Romualdez na gumagawa ng pagbabago sa polisiya ang administrasyong Marcos upang maging investor-friendly ang bansa.

At ang pag-angat umano ng ekonomiya ang patunay na epektibo ang mga pagbabagong ginagawa at inaasahan ang patuloy na pag-unlad nito.

Nagpasalamat naman si Speaker Romualdez sa delegasyon nito sa 2024 WEF dahil nagawa nito ang misyon na ma-promote ang Pilipinas sa mundo bilang isang investment destination.

Ibinida ni Speaker sa mga dayuhang mamumuhunan na nagkasundo na ang Senado at Kamara de Representantes sa pangangailangan na amyendahan ang economic provisions ng Konstitusyon na naglilimita sa pamumuhunan na maaaring ilagak ng mga dayuhan sa bansa.

Show comments