MANILA, Philippines — Inihayag ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) na walong lugar sa Visayas at Mindanao ang nagpositibo sa toxic red tide.
Sinabi ng BFAR na nagsagawa ito ng mga pagsusuri sa mga shellfish na nakolekta mula sa mga sumusunod na lugar at ang mga ito ay napag-alamang positibo sa paralytic shellfish poison o toxic red tide: Sapian Bay (Ivisan at Sapian sa Capiz; Mambuquiao at Camanci, Batan sa Aklan) coastal waters ng Roxas City sa Capiz coastal waters ng Pontevedra sa Capiz coastal waters ng Gigantes Islands, Carles sa Iloilo coastal waters ng Dauis at Tagbilaran City, Bohol. Dumanquillas Bay sa Zamboanga del Sur. Lianga Bay sa Surigao del Sur coastal waters ng San Benito sa Surigao del Norte.
Sinabi ng ahensya na ang mga isda, pusit, hipon at alimango ay ligtas na kainin ng tao basta ang mga ito ay sariwa at hinugasan ng maigi at ang mga panloob tulad ng hasang at bituka ay tinanggal bago lutuin.