80-anyos na lolo na pumatay sa parking boy, arestado

Dinayo pa ng mga pulis-Marikina ang suspek na si Reynerio del Rosario sa Nueva Ecija para ihain sa kaniya ang warrant of arrest para sa kasong murder nitong Miyerkules ng gabi.
File

MANILA, Philippines — Nadakip na ng mga tauhan ng Marikina City police matapos ang taong pagtatago, ang isang 80-anyos na lolo na wanted sa pagpaslang sa isang parking boy noong 2022 sa naturang lungsod.

Dinayo pa ng mga pulis-Marikina ang suspek na si Reynerio del Rosario sa Nueva Ecija para ihain sa kaniya ang warrant of arrest para sa kasong murder nitong Miyerkules ng gabi.

Sinabi ni Eastern Police District Director, PBGen. Wilson Asueta na nalaman nila na may mga kaanak sa Nueva Ecija ang suspek na maaari niyang tinutuluyan at sa intelligence gathering, nagpositibo na nagtatago ito sa mga kaanak.

Nabatid na isang cigarette vendor sa Marikina ang suspek at nagawang masaksak ang hindi pinangalanang parking boy na nambu-bully umano sa kaniya.

Nagtitinda pa ng sigarilyo sa isang bangketa ang suspek nang masakote ng mga pulis sa Nueva Ecija.

Show comments