Hindi malilimutang serial killers  

• Ang sinabi ng serial killer na si James French bago isalang sa electric chair: “Bukas ay ako ang headline sa mga diyaryo. At ang pamagat ng balita ay: French Fries.”

• Matapos mahuli ang serial killer ng mga bata na si Robert Black, ang sarili nitong anak ay natagpuan ng mga pulis na nasa likod ng kanyang van na nakagapos at may busal sa bibig.

• Ang Venezuelan serial killer at cannibal na si Dorangel Vargas ay umamin na 10 tao na ang kanyang nakakain. Dagdag pa niya, ayaw niyang kumain ng matatabang tao dahil makolesterol ang mga ito.

• Ang notorious serial killer na si Jeffrey Dahmer ay pinatay ng kapwa niya bilanggo bago pa man siya bitayin.

• Ang first documented serial killer ng Spain na si Manuel Romasanta ay pinalaki bilang babae ng kanyang mga magulang at pinangalanang Manuela. Anim na taon na siya nang ma-realize ng kanyang mga magulang na siya pala ay lalaki. Kinukuha niya ang taba ng kanyang mga biktima at ginagawa itong high quality soap.

• Ang serial killer at cannibal na si Richard Chase ay namamasok ng mga bahay para maghanap ng bibiktimahin. Pero mga unlock doors lang ang kanyang pinapasok. Kapag naka-lock, ibig sabihin daw ay hindi siya welcome.

Show comments