Jobless Pinoy bumaba sa 2.21 milyong noong Agosto – PSA

Jobseekers flock a job fair site in Cebu City in one of the job fairs organized by the Department of Labor and Employment (DOLE)-7.
STAR / File

MANILA, Philippines — Bumaba ang bilang ng mga Pilipinong walang trabaho o hanapbuhay noong Agosto, habang dumami naman ang employed persons sa nasabing period, batay sa resulta ng pinakabagong Labor Force Survey ng Philippine Statistics Authority (PSA).

Kahapon ay iniulat ni National Statistician and PSA chief Claire Dennis Mapa na nabawasan ang bilang ng unemployed persons, edad 15 pataas, sa 2.21 milyon mula 2.27 milyon noong Hulyo at mas mababa sa 2.68 mil­yong walang trabaho sa parehong buwan noong nakaraang taon.

Sa aktibong paghaha­nap ng trabaho ng por­syento ng kabuuang 50.29 milyong indibdiwal sa labor force, naitala ang unemployment rate na 4.4%.

Nangangahulugan ito na 44 sa 1,000 indibidwal sa labor force ang walang trabaho noong Agosto 2023, ayon kay Mapa.

Samantala, umakyat ang bilang ng mga employed Filipinos sa 48.07 milyon, mula sa 44.63 milyon noong Hulyo at mas mataas din sa 47.87 milyong indibidwal na mayroong trabaho o hanap­buhay noong Agos­to 2022.

Nangangahulugan ito ng employment rate na 95.6%.

Show comments