Modernize farming, isinusulong ni Barbers

Farmers plant rice at a farm along Barangay Sumapang Matanda in Malolos, Bulacan on September 14, 2023.
Michael Varcas

MANILA, Philippines — Isang mambabatas mula sa Mindanao ang naghikayat sa pamahalaan na pagkalooban ang mga magsasaka ng mga modernong makinar­yang pang-agrikultura, bilang bahagi ng pagsusumi­kap nito na mapataas pa ang produksiyon ng bigas sa bansa.

Ito ang sinabi ni Surigao del Norte Representative Robert Ace Barbers na ang agricultural machinery, o kilala sa tawag na agricultural tech, ay mahalagang sandata para mapaganda pa ang agricultural production.

“It helps farmers to grow more crops in less time and with greater efficiency. It can include anything from tractors and harvesters to animal feed mixers or field-wide weed removers,” aniya.

Binigyang-diin ni Barbers na nag-a-advocate nga­yon ng agricultural mo­dernization, ang agarang pa­nga­ngailangan sa pag-mechanize ng Philippine agriculture upang makamit ang food sufficiency at security.

“Ang layunin ng Pangu­long BBM na food sufficiency sa darating na mga taon ay layunin ko rin, kaya 100-percent akong suportado sa mga programang pang-agrikultura ng ating Chief Executive,” sabi pa ni Barbers.

Nagpahayag din siya ng kumpiyansa na ang pamahalaan, sa ilalim ng pamumuno ni Pang. Ferdinand Marcos Jr., ay magkakaloob ng mga modernong farm machi­nery sa mga magsasaka, sa pa­­ma­magitan ng tulong at suporta ng Philippine Center for Postharvest Development and Mechanization (PhilMech).

“Aside from traditional tools like rakes and shovels, modern farm machines have multiple functions that make harvesting fields easier,” paha­yag pa ni Barbers.

Show comments