MANILA, Philippines — Isa na namang pahirap ang mararanasan ng mga motorista matapos na ianunsyo ang panibabgong malaking pagtataas sa presyo ng mga produktong petrolyo sa susunod na linggo.
Batay sa abiso ng oil players kahapon, aabutin ng P1.15 kada litro hanggang P1.35 kada litro ang itataas sa presyo ng gasoline, habang sa diesel ay aabutin ng mula P1.80 hanggang P2.00 kada litro samantalang ang kerosene ay P1.70 hanggang P1.90 kada litro.
Sinasabing ang four-day Mean of Platts Singapore (MOPS) trading mula Setyembre 11 hanggang Setyembre 14 ang ugat ng mas mataas na pagsirit sa presyo ng mga produktong petrolyo.
Ito na ang ika-10 sunod na linggo ng pagtaas presyo ng gasoline at ika 11 beses na sunod na linggo na taas sa presyo ng diesel at kerosene.
Sa tuwing araw ng Martes ipinatutuapd ang taas-presyo ng mga petrolyo.