MANILA, Philippines — Pumanaw na sa edad na 85 si dating Manila Vice Mayor Danilo Lacuna, ama ng kasalukuyang alkalde ng Maynila na si Mayor Honey Lacuna-Pangan.
Inanunsyo kahapon mismo ni Mayor Lacuna-Pangan ang pagpanaw ng kaniyang ama nitong Linggo ng umaga, kasama ang kaniyang mga mahal sa buhay.
Nakatakdang ianunsyo ng pamilya Lacuna ang detalye ng burol sa labi ng dating bise alkalde.
Nagsilbing konsehal ng Maynila si Lacuna mula 1968-1975 at naging bise alkalde ng siyudad noong 1970-71, 1988-92 at 1998-2007. Ilang beses din siyang tumakbong kandidato bilang alkalde ngunit nabigo