P3-4 taas-presyo sa diesel, kerosene ilalarga

Sinasabing dahil sa pagbabawas ng produksyon ng Saudi Arabia at Russia, sinasabing tataas ang presyo ng diesel ng may P3.70 hanggang P4 kada litro samantalang ang presyo ng kerosene ay tataas ng may P2.70 hanggang P3 kada litro.
STAR / KJ Rosales, file

MANILA, Philippines —  Panibagong pahirap mula ang aasahan ng mga motorista matapos na ianunsyo kahapon ang bigtime increase sa mga presyo ng petrolyo partikular ang diesel at kerosene na posibleng umabot sa P3 hanggang P4 na pagtataas.

Sinasabing dahil sa pagbabawas ng produksyon ng Saudi Arabia at Russia, sinasabing tataas ang presyo ng diesel ng may P3.70 hanggang P4 kada litro samantalang ang presyo ng kerosene ay tataas ng may P2.70 hanggang P3 kada litro.

Magiging minimal naman ang pagtaas sa halaga ng gasolina sa susunod na linggo.  Inaasahan nasa 20 sentimos hanggang 50 sentimos kada litro ang itataas sa presyo ng gasolina.

Sinabi naman ni  Leo Bellas, presidente ng Jetti Petroleum na tataas pa ang presyo ng petrolyo pero  hindi naman ito magiging katulad ng nagdaang taon na halos triple ang halaga.

“Medyo tataas pa po yan pero hindi naman po nakikita na lalampas o aabot sa katulad ng dati nung last year,” sabi ni Bellas.

Tuwing Martes naipatutupad ang price adjustment sa mga produktong petrolyo.

Show comments