MANILA, Philippines — Magkakaroon na naman ng malakihang pagtataas sa presyo ng mga produktong petrolyo sa susunod na linggo.
Ayon sa oil players, inaasahan na tataas ng P3 ang presyo ng diesel kada litro samantalang P2 kada litro ang itataas sa presyo ng gasolina.
Ayon naman Unioil Petroleum Philippines na inaasahan ang taas presyo ng diesel ng may P3.20 hanggang P3.40 kada litro.
Aabutin naman P1.70 hanggang P1.90 kada litro ang inaasahang taas presyo nila sa gasolina.
Sinasabing ang galaw ng presyuhan ng petrolyo sa nakalipas na limang araw sa merkado ang ugat ng oil price hike.
Sinasabing ang price adjustment ay dulot din ng mababang inflation readings at industrial outputs sa Europa at Estados Unidos .
Tuwing Martes ipinatutupad ang oil price adjustment.