Refund sa bill deposit ng consumers, sinimulan – More Power

MANILA, Philippines — Ilang consumers ng MORE Electric and Power Corporation (MORE Po­wer) sa Iloilo City ang simulan nang makakuha ng refund sa kanilang bill deposits.

Sa isinagawang simpleng seremonya sa tanggapan ng More Power ay tatlong consumers ang unang nabigyan ng refund kabilang sina Emmanuel Improgo, Baby Jean Agustin at Barangay Chairman Romeo Losario Jagorin Jr ng Brgy. Sambag, Jaro, Iloilo City.

Ang Bill deposit ay ang binabayad ng mga consumer kapag nag-apply ito ng kanilang electric meter, alinsunod sa Article 7 ng Magna Carta for residential electric consumers, ang bill deposit ay kailangang ibalik ng mga Distribution Utilities(DU) makalipas ang 3 taon o 36 buwan sa kondisyon na ang consumer ay nagbabayad sa oras at walang record ng disconnection.

Kuwento ni Baby Jean, malaking tulong na ibinalik sa kanya ang bill deposit.

Gayundin ang pahayag ni Jagorin, aniya, wala silang naririnig na ganitong klaseng refund sa dating Distribution Utility kaya nagulat din ito na may balik bayad ang More Power na kusang ibinibigay sa mga consumer na hindi na kailangan mag-apply o mag-inquire kung kuwalipikado sa refund.

Para naman sa consu­mer na si Improgo, mala­king tulong ang natanggap nitong P2,500 na refund.

Ayon kay MORE Power President at CEO Roel Castro, ang kanilang kusang pagbabalik ng bill deposit ay sa hangarin na rin nila na maging ehemplo sa iba pang distribution utilities (DU).

Samantala, pinuri ni Energy Regulatory Commission(ERC) Commissioner Alexis Lumbatan na dumalo sa seremonya, ang bill deposit refund initiative ng More Power.

Show comments