P16.5 milyong cocaine nasabat sa banyagang pasahero sa NAIA

Sinabi ng BOC na tumugon sila sa impormasyon ng kanilang foreign counterparts kaugnay sa “presence of a traveler expected to arrive at NAIA carrying illegal drugs.”
File

MANILA, Philippines — Isang hinihinalang Salvadoran national na dumating mula Doha, Qatar nitong Lunes, Mayo 22 ang inaresto nang masabat sa kanya ng mga operatiba mula sa Bureau of Customs (BOC) at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang nasa tatlong kilo ng cocaine na nagkakahalaga ng P16.5 milyon.

 Ang illegal na droga ay nakuha mula sa bagahe ng suspek sa Terminal 3 ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

Sinabi ng BOC na tumugon sila sa impormasyon ng kanilang foreign counterparts kaugnay sa “presence of a traveler expected to arrive at NAIA carrying illegal drugs.”

“The passenger’s luggage underwent rigorous screening­, including x-ray scanning, K9 inspection, and a thorough physical examination,” sinabi pa ng BOC.

Unang nanggaling ang suspek sa Brazil at dumating ng Pilipinas mula Qatar sakay ng Qatar Airways flight QR 932. Nahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Drug Act at Customs Modernization and Tariff Act ang suspek.

Show comments