Lola nalunod sa isang palangganang tubig

MANILA, Philippines — Isang 65-anyos na lola ang nasawi nang aksidenteng malunod sa isang palangganang tubig nitong Biyernes sa Sitio Core Housing, Brgy. Bagong Bayan, Mauban, Quezon.

Batay sa ulat ng pulisya, natagpuang nakalubog ang ulo sa tubig ang biktimang si Lerma Ambon.

Posibleng inatake umano ng epilepsy ang biktima kaya walang foul play sa pangyayari.

Nasa Municipal Health Office naman na ang bangkay ng biktima para sumailalim sa autopsy.

Show comments