Inflation noong Pebrero, bumaba

A market vendor arranges assorted vegetables for sale inside the Quinta Market in Manila on Monday (September 19, 2022).
STAR / Edd Gumban

MANILA, Philippines — Bumaba ang inflation o presyo ng mga bilihin noong buwan ng Pebrero.

Ito ang inihayag ng Pre­sidential Communications Office (PCO), base sa ulat ng Philippine Statistics Au­tho­rity (PSA) nasa 8.6 por­­syento lamang ang na­italang inflation rate.

Mas mababa ito sa 8.7 porsyento na inflation na na­itala noong Enero.

Ayon sa PCO, ang pagbaba ng inflation noong Pebrero ay dulot ng pagbaba ng presyo ng mga pagkain at produktong petrolyo dahil sa patuloy ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa pagpapatupad sa mga programa at inisyatibo ng pamahalaan upang matugunan ang inflation. - Angie dela Cruz

Show comments