Public consultations sa pag-amyenda sa Saligang Batas, napapanahon para sa ekonomiya

Halos 700 kalahok mula sa iba’t ibang sektor ang dumalo sa public consultation na pinangunahan ni SJDM City Rep. Florida “Rida” Robes at ng kanyang asawang si Mayor Arthur Robes sa City Convention Center sa Brgy. Sapang Palay Proper.
STAR / File

MANILA, Philippines — Matagumpay na nai­sagawa ng House Committee on Constitutional Amendments ang kanilang pampublikong konsultasyon sa mga panukalang batas na nagsusulong ng mga reporma sa konstitusyon noong Sabado, Pebrero 18, sa San Jose Del Monte (SJDM) City, Bulacan.

Halos 700 kalahok mula sa iba’t ibang sektor ang dumalo sa public consultation na pinangunahan ni SJDM City Rep. Florida “Rida” Robes at ng kanyang asawang si Mayor Arthur Robes sa City Convention Center sa Brgy. Sapang Palay Proper.

Si Rep. Robes, na na­mumuno sa House Committee on Good Government and Public Accoun­tability ay nagsabi na ang konsultasyon ay mahalaga upang makuha ang mga pananaw at feedback ng publiko sa mga panukalang amyendahan ang 1987 Constitution na ang mga probisyon, ayon sa kanya, ay hindi na umaayon sa kasalukuyang panahon.

Idinagdag ni Rep. Robes, na ang layunin ng pampublikong konsultasyon ay malaman ang saloobin ng nakararami kung dapat magkaroon ng repormang konstitusyunal sa anumang pamamaraan gagawin ang reporma at ano ang mga iminumungkahing reporma. Kabilang dito ang pagsulong ng repormang makapagpapabuti sa ekonomiya ng bansa kagaya ng pagluwag sa investment barriers.

Show comments