Libreng sakay sa bus carousel posibleng ‘di na tuloy

Pondo limitado - LTFRB

MANILA, Philippines — Dahil sa limitado lamang ang pondo ng pamahalaan ay maaa­ring hindi na ituloy ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang Libreng Sakay sa EDSA Bus Carousel program.

Ito ang inihayag kahapon ni LTFRB Chairman Teofilo Guadiz at sa halip na libreng sakay ay pinag-aaralan ng kanilang ahensiya na magbigay na lamang ng diskwento sa pasahe na kung saan ay makikinabang ang lahat ng pasahero.

Magugunita na kamakailan ay inihayag ng LTFRB na posibleng unang quarter o second quarter ng 2023 ibabalik ang Libreng Sakay sa EDSA Bus Carousel.

Sinabi rin dati ni LTFRB technical division head Joel Bolano na may inilaang budget para sa “Libreng Sakay” program kaya ibabalik ang libreng sakay na kung saan, pag-uusapan ang implementasyon ng programa alinsunod sa budget na inilaan ng pamahalaan na aabot sa P2.1 bilyon.

“Ang DOTr at LTFRB ay gagawa ng programa kung paano madi-distri­bute itong P2.1 billion,” pahayag ni Bautista.

 

Show comments