Bangkay ng sanggol na walang ulo, nakita sa estero sa Maynila

MANILA, Philippines — Isang bagong silang na sanggol na walang ulo ang natagpuan ng isang backhoe operator na nagli­linis sa Estero de Valencia, sa Sampaloc, Maynila kahapon ng umaga. Sa ulat ng pulisya, tinatayang­ nasa pagitan ng apat hanggang anim na buwan na ang sanggol at nakakabit pa rin ang ambilical cord nito.

Ayon sa pulisya, alas-10:00 ng umaga nang mama­taan ni Michael Soposo, 41, ang sanggol na nakasilid sa plastic na galon habang naghuhukay sa estero na agad niyang ipinagbigay-alam sa mga opisyales ng barangay na nakakasakop dito.

Hindi pa batid kung sino ang nagtapon sa sang­gol pero naniniwala ang barangay na inanod lang sa kanilang lugar ang bangkay. Dinala na ang pugot na sanggol sa Cruz Funeral Homes para dito pansamantalang ilagak.

Show comments