MANILA, Philippines — Ipinag-utos kahapon ni Philippine National Police (PNP) chief Gen. Rodolfo Azurin Jr. sa Firearms and Explosives Office (FEO) na bawiin ang gun licenses ng mga sangkot sa indiscriminate firing noong Bagong Taon.
“As I have warned at the onset of the holiday security operations, criminal liability for indiscriminate firing is further aggravated if the offender belongs to the uniformed services. The Chief, FEO is directed to consolidate the names of those who violated the law on firearms use and to cause the revocation of their licenses without delay, likewise to initiate the filing of appropriate criminal cases,” pahayag ni Azurin.
Sinabi ni Col. Redrico Maranan, chief ng PNP Public Information Office, na nakapagtala ng tatlong kaso ng indiscriminate firing sa Iloilo, Manila at Quezon City mula Dec. 31, 2022 hanggang Jan. 1, 2023.
Sinibak sa pwesto ang miyembro ng PNP Special Action Force dahil sa indiscriminate firing sa Barangay Tuao North, Bagabag, Nueva Vizcaya noong Dec. 30.
Inihayag ni Maranan na nagresulta mula sa agresibong law enforcement operations sa pagkakaaresto ng tatlong suspek sa umano’y indiscriminate firing noong pagdiriwang ng Bagong Taon– dalawang sibilyan at isang miyembro ng Philippine Coast Guard.