Higit 1.6 milyong estudyante nakinabang sa libreng sakay

Ito ang inihayag ng Office of the Press Secretary batay sa inilabas na year-end report ng administrasyon kaugnay sa naging hakbang upang mabawasan ang hirap ng mga estudyante sa epekto ng mataas na presyo ng langis sa bansa.
STAR / File

MANILA, Philippines — Nakinabang sa libreng sakay program ng gobyerno noong nakalipas na taon ang mahigit 1.6 milyong mga estudyante.

Ito ang inihayag ng Office of the Press Secretary batay sa inilabas na year-end report ng administrasyon kaugnay sa naging hakbang upang mabawasan ang hirap ng mga estudyante sa epekto ng mataas na presyo ng langis sa bansa.

Sa pamamagitan ng libreng sakay ay napagaan ang budget ng mga estudyante sa kanilang pamasahe simula Agosto 22 hanggang Nobyembre 5, 2022.

Matatandaang iniutos ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. noong nakalipas na taon na ipagpatuloy ang implementasyon ng libreng sakay para sa mga estudyante sa LRT-2 upang hindi mahirapan sa gastos sa pamasahe.

Naging maagap naman ang Department of Budget and Management sa pagpapalabas ng pondo noong para magpatuloy ang implementasyon ng fuel subsidy program na sinimulan ng nakalipas na administrasyon para sa public utility vehicles (PUVs) at sa Libreng Sakay Program ng Department of Transportation (DOTr).

Bukod sa libreng sakay program, nagpatupad din ang Marcos administration ng 20% discount sa pamasahe ng mga estudyante sa MRT-4 at Philippine National Railways (PNR) sa ilalim ng Oplan Balik Eskuwela na pinakinabangan ng 143,290 mag-aaral.

Show comments