MANILA, Philippines — Kinumpirma kahapon ng Malacañang na nagbitiw na sa puwesto sina Press Secretary Trixie Cruz-Angeles at Commission on Audit Chair Jose Calida.
Ayon kay Senior Deputy Executive Secretary Hubert Guevarra, medical reasons ang ibinigay na dahilan ni Cruz-Angeles sa pagbibitiw sa puwesto.
Idinagdag ni Guevarra na nasa proseso pa sila nang pagtulong sa tanggapan ni Cruz-Angeles dahil sa iniwan nitong puwesto.
“Wala pa pong bagong Press Secretary…We’re still in the process of helping the Office address the resignation,” ani Guevarra.
Kinumpirma ni Cruz-Angeles ang pagbibitiw sa puwesto dahil sa “health reason.”
Nagbitiw rin si Commission on Audit chairman Jose Calida sa puwesto.
Ayon kay Executive Secretary Lucas Bersamin, tinanggap ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang pagbibitiw ni Calida at hindi niya alam ang dahilan nang pagbibitiw nito sa puwesto.
Si Calida, naging Solicitor General sa Duterte administration ay isa sa 15 appointee ni Marcos na nilaktawan ng Commission on Appointments.