MANILA, Philippines — Habang nahaharap ang bansa sa maraming usapin na may kinalaman sa suplay at lokal na produksyon ay nakatakdang mag-angkat ang Pilipinas ng asin.
“Ang asin talagang nag-i-import tayo diyan. We have P100 million to start for this season. And we hope and anticipate that we should be able to do something about it,” ayon kay Department of Agriculture (DA) Undersecretary Domingo Panganiban.
Nauna rito, sinabi ni Panganiban na ang kakulangan sa asin sa bansa ay bunsod ng kapabayaan sa industriya sa nakalipas na taon kabilang na ang Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR).
Aniya, hanggang sa ngayon ay hindi pa rin nagagamit ng BFAR ang P100 milyong pisong budget para sa 2021 para palakasin ang salt production sa bansa.
Buwan ng Agosto, sinabi ng BFAR na naglaan ito ng P100 milyong halaga ng pondo para palakasin ang salt production sa bansa para sa taong 2022.
Bunsod nito, nangako ang Malacañang na palalakasin ang produksyon ng asin sa bansa para punan ang malaking pangangailangan ng mamamayan.