MANILA, Philippines — Makakatipid ang mga commutters dahil tuloy hanggang September 6 ang pagbibigay ng libreng sakay sa EDSA Carousel bus.
Ito ang sinabi ni Land Transportation Regulatory Board (LTFRB) Chairperson Cheloy V. Garafil dahil may sapat na pondo ang pamahalaan para ipagpapatuloy ang libreng sakay.
Batay sa pakikipagpulong ng DOTr sa mga operator ng EDSA Carousel bus ay napag-usapan dito ang payout sa operator upang makabiyahe na ang lahat ng corousel bus nang makasakay ng libre ang publiko.
Anya, isa sa dahilan kung bakit hindi makapag-full deployment ang bus company ng kanilang mga biyahe dahil ang ilan sa mga driver ay umuwi ng probinsya at hindi nababayaran ng bus operator on time ang kanilang mga driver.
Sinabi pa ni Garafil na sa kasalukuyan, umaabot na sa P310 milyon ang naibabayad ng LTFRB sa mga bus operator na nagseserbisyo para sa libreng sakay sa EDSA Carousel bus.
“In a span of two weeks, naayos natin ‘yung payout nila. Ngayon nasa week 10 na kami so almost one month din na mahigit ‘yung naayos namin. More than P310 million na po ‘yung aming nailalabas na pera for [that],” wika ni Garafil.