Pilipinas kinampihan ng US vs fishing ban ng China

“The PRC’s unilateral fishing moratorium in the South China Sea is inconsistent with the 2016 Arbitral Tribunal ruling and international law as reflected in #UNCLOS,” saad sa tweet ni US State Department spokesperson Ned Price.
The STAR / Val Rodriguez, File

MANILA, Philippines — Sinuportahan ng Estados Unidos ang Pilipinas sa pagpuna sa unilateral seasonal fishing ban na idineklara ng China sa ilang bahagi ng West Phi­lippine Sea.

“The PRC’s unilateral fishing moratorium in the South China Sea is inconsistent with the 2016 Arbitral Tribunal ruling and international law as reflected in #UNCLOS,” saad sa tweet ni US State Department spokesperson Ned Price.

Isinama rin niya ang pahayag ng Pilipinas na naghain ng diplomatikong protesta ang Department of Foreign Affairs para sa unilateral na pagpataw ng 3.5-buwang fishing ban, na sumasaklaw sa mga lugar sa West Philippine Sea kung saan ang Pilipinas ay may soberanya at hurisdiksyon.

Inulit ng DFA noong Mayo 31 ang patuloy na protesta nito sa taunang gawi ng China sa pagdedeklara ng fishing ban sa mga lugar na “extend far beyond” sa mga lehitimong karapatan nito sa maritime sa ilalim ng United Nations Convention on the Law of the Sea.

Muli rin nitong pinagtibay ang 2016 arbitral ruling na nagpawalang-bisa sa malawakang pag-angkin ng Beijing sa katubigan — isang mahalagang desisyon na patuloy na binabalewala ng China. - Gemma Garcia

Show comments