Atong Ang handang sumunod kay Pangulong Duterte

MANILA, Philippines — Handa umanong sumunod si Charlie “Atong” Ang sa kautusan ni Pa­ngulong Duterte sa pagpapatigil ng e-sabong batay sa rekomendasyon ng DILG.

Sinabi ni Ang, pangulo ng Pitmaster live na isa sa mga kumpanya na may pa­larong e-sabong sa bansa na gagamitin ang panahon para ayusin ang mga isyu hinggil sa sinasabi ng pangulo na mga problema sa e-sabong.

Ang pagpapatigil ni Duterte sa lahat ng e-sabong sa bansa bunsod ng rekomendasyon ni Secretary Año dahil sa maraming nalululong sa e-sabong na nagiging social problem na.

Nangako naman si Ang na kapag muling binuksan ang e-sabong ay naayos na nila ang mga nasabing problema.

Show comments