MANILA, Philippines — Ngayong araw ay mag-uumpisa na ang ‘local absentee voting (LAV)’ para sa mga botante na naka-duty sa aktwal na araw ng May 9 national and local elections.
Sinabi ng Commission on Elections (Comelec) nitong Martes na kabuuang 93,698 miyembro ng military, pulisya, gobyerno at media personnel ang nag-aplay sa LAV.
Sa naturang bilang, 84,357 botante lamang ang pinayagang makapag-avail ng LAV, nang sila lamang ang pumasa sa pamantayan.
Hindi inaprubahan ang aplikasyon ng may 9,341 indibidwal dahil hindi sila rehistrado o kaya ay na-deactivate mula sa voters’ list.
Magiging manu-mano ang pagboto ng mga local absentee voters na maaari lamang bumoto para sa national positions; kabilang na rito ang presidente, bise presidente, senador at party-list.
Tatagal lamang ng tatlong araw o hanggang sa Abril 29, 2022 ang LAV.