MANILA, Philippines — Naglabas ng abiso kahapon ang Pilipinas Shell sa Departmet of Energy na maaaring pumalo sa P13 kada litro ang taas-presyo sa diesel.
Subalit iginiit ng DOE na kailangan pa ng mga paglilinaw ukol sa price hike advisory.
Base sa Shell, ipatutupad nito ang sumusunod na taas-presyo ngayong Martes: Diesel-P13.15 kada litro; Gasoline-P7.10 kada litro; Kerosene- P10.50 kada litro.
Nauna nang ianunsyo ang P12 kada litrong taas-presyo sa langis sa linggong ito sa gitna ng krisis sa pagitan ng Russia at Ukraine.
Inaprubahan naman ni Pangulong Rodrigo Duterte ang P3 bilyong subsidy sa mga apektadong public transportation drivers maging discounts sa mga magsasaka at mangingisda na apektado ng patuloy na pagtaas sa presyo ng produktong petrolyo.