MANILA, Philippines — Inaprubahan ng Food and Drug Administration (FDA) ang emergency use authorization (EUA) amendment sa COVID-19 vaccine ng Sinovac upang magamit sa pagbabakuna sa 6 taon pataas.
Ito ang inanunsiyo ni Presidential Communications Operations Office (PCOO) Undersecretary Rocky Ignacio na unang inihayag ni Health Secretary Francisco Duque III sa pagkaka-apruba ng CoronaVac at hinihintay na lamang nilang matapos ang operational details bago mag-administer ng Sinovac vaccine sa mga bata.
Una nang inaprubahan ng FDA ang bakuna ng Pfizer para sa mga batang edad lima hanggang labing-isa sa bansa.
Napaulat na lumalabas sa isang pag-aaral sa Chile mula sa data na nakuha sa 1.9 mga bata na edad anim hanggang 17 na ang efficacy ng Sinovac at nasa 74 porsiyento.
Naiiwasan umano na maospital ang mga bata na nagkaroon ng COVID-19 na nabakunahan ng Sinovac vaccine.