Build, Build, Build dapat ipagpatuloy

MANILA, Philippines — Kung palarin na maka­balik sa Kongreso ay nangako ang ACT-CIS Party­list na ipagpapatuloy nila ang Build, Build, Build Program ni Pangulong Duterte.

Ayon kay ACT-CIS Nominee Edvic Yap, hindi maaring ihinto ang nasabing programa dahil lahat ng sektor ay nakikinabang dito.

“Dapat talagang ituloy ng susunod na administrasyon ang Build, Build, Build Projects dahil malaking naibawas nito sa problema sa trapiko,” wika ni Yap.

Pag-amin pa ni Yap, magiging katuwang nila sa Senado si Senatorial aspirant Raffy Tulfo sa pagpapanukala na maglaan ng malaking pondo para sa programa pagkatapos ng Duterte administration.

Show comments