65 manggagawa sa Quezon City nabiyayaan ng bisikleta

MANILA, Philippines — Nasa 65 manggagawa sa bahagi ng District 4 sa Quezon City ang pinagkalooban ng mga bisikleta at helmet sa ilalim ng “Tulong Pangkabuhayan Program” ng lokal na pamahalaan.

Pinangunahan ni QC Mayor Joy Belmonte kasama ang iba pang opisyal ng lungsod ang pamamahagi ng mga bisikleta sa mga mapapalad na manggagawa.

Ayon sa lokal na pamahalaan, layon ng naturang programa na makatulong sa mga manggagawa upang magkaroon ng dagdag-kita sa pamamagitan ng pagkakaroon ng mga bisikleta sa gitna na rin ng hirap sa mga limitadong public transportation at iba pang problema sa kasagsagan ng COVID-19 pandemic.       

Show comments