MANILA, Philippines — Batay sa pinakahuling datos ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) ay umakyat na sa 378 ang bilang mga namatay sa hagupit ni Odette.
Ayon kay NDRRMC Spokesperson Mark Timbal karamihan sa mga nasawi ay mula sa Central Visayas, partikular sa Cebu at Bohol.
Sa nasabing bilang 218 ang hindi pa nakikilala kung saan 92 ang lalaki at 68 ay babae. Nasa 54 ang kumpirmado habang 324 ang sumasailalim pa sa beripikasyon ng NDRRMC. Nasa 742 naman ang naiulat na sugatan habang 60 ang nawawala.
Batay sa datos 3,953,880 katao o 1,012,997 pamilya sa Mimaropa, Region 5, Region 6, Region 7, Region 8, Region 9, Region 10, Region 11, Region 12, CARAGA, at BARMM ang naapektuhan habang 546, 100 katao ang nawalan ng tirahan. Nagkakahalaga naman ng P3,963,676,507 ang halaga P29,209,218 naman sa kabahayan.