Travel tax sa mga biyahero dapat nang alisin

MANILA, Philippines — “Dapat nang alisin ang pangongolekta ng travel tax sa mga Pilipino na bumibiyahe palabas ng bansa”.

Ito ang kahilingan sa pamahalaan ni Atty. Marco Bautista, nominee ng Turismo Isulong Mo Partylist (TURISMO) na kung saan ay malaking ginhawa sa

kababayang biyahero kung matutupad ang naturang panukala na ma-repeal ang probisyon ng Republic Act 9593 o Tourism Act of 2009 na nagpapataw ng travel tax na PHP P1,620.

Ayon sa RA 9593, 50 percent ng travel tax collection ay napupunta sa Tourism Infrastructure and Enterprise Zone Authority (TIEZA), 40 percent sa Commission on Higher Education (CHED), at 10 percent sa National Commission on Culture and Arts (NCCA).

Anya, layunin ng TU­RIS­MO Partylist na paglaa­nan na lamang ng Kongreso ang mga pondo ng TIEZA, CHED at NCCA mula sa annual national budget o General Appropriations Act.

“Sa pamamagitan ng TIEZA, dapat bigyan ng malaking budget ang mga lokal na pamahalaan para sa pagpapaganda at pangangalaga ng kanilang mga tourist attractions,” pagbibigay-diin pa ni Bautista.

Anya, malinaw na hindi maaasahan ang travel tax revenues para sa pondo ng TIEZA sa panahon ng kalamidad tulad ng pandemya kung saan ipinatutupad ang travel ban sa ilang mga bansa na apektado ng Omicron variant.

Show comments