7 pa bansa sa Europa inilagay sa travel ban

Sa pahayag ni acting presidential spokesman Karlo Nograles, epektibo kahapon, Nobyembre 28 ay sakop ng travel ban ang mga  bansang Austria, Czech Republic, Hungary, Netherlands, Switzerland, Belgium at Italy.
STAR / File

MANILA, Philippines — Inilagay sa travel ban ang 7 bansa sa Europa na itinuturing na nasa red list o high risk dahil sa COVID-19.

Sa pahayag ni acting presidential spokesman Karlo Nograles, epektibo kahapon, Nobyembre 28 ay sakop ng travel ban ang mga  bansang Austria, Czech Republic, Hungary, Netherlands, Switzerland, Belgium at Italy.

Ayon pa kay Nograles ang travel ban sa nasabing mga bansa ay tatagal hanggang Disyembre 15.

Nauna nang inanunsiyo ng Malakanyang ang travel ban ng mga biyahero mula South Africa, Botswana, Namibia, Zimbabwe, Lesotho, Eswatini at Mozambique.

“Inbound international travel of all persons, regardless of vaccination status, coming from or who have been to Red List countries/jurisdictions/territories within the last 14 days prior to arrival to any port of the Philippines shall not be allowed,” dagdag pa ni Nograles.

Habang ang mga biyaheng papayagan mula sa mga bansang nasa ‘red list’ ay ang para sa repatriation program ng pamahalaan, na daraan pa rin sa masusing proseso.

Hindi naman kasama ang Hong Kong kung saan mayroon na rin kaso ng Omicron  variant ng Covid-19 batay sa  updated na listahan na nasa red list.

Show comments