Mahigit 3K biyahero stranded sa mga pantalan

Batay sa datos ng Phi­lippine Coast Guard (PCG), alas-3:00 ng hapon kahapon, nasa 3,007 pasahero, tsuper, at cargo hel­pers ang naipit sa 48 na pier sa Eastern Visayas, Central Visayas, Southern Tagalog, Northeastern Mindanao at Bicol region.
Freeman Photo

MANILA, Philippines — Dahil sa masamang lagay ng karagatan dulot ng bagyong Dante ay u­mabot na sa higit sa tatlong libong biyahero ang na istranded sa mga pantalan sa Timog Luzon at Visayas.

Batay sa datos ng Phi­lippine Coast Guard (PCG), alas-3:00 ng hapon kahapon, nasa 3,007 pasahero, tsuper, at cargo hel­pers ang naipit sa 48 na pier sa Eastern Visayas, Central Visayas, Southern Tagalog, Northeastern Mindanao at Bicol region.

Nasa 73 sasakyang-pandagat, tatlong motor bancas at 792 rolling cargoes rin ang stranded habang nasa 87 sea vessels at 84 motorbancas ang nakikisilong upang makaiwas sa hagupit ng bagyo sa karagatan.

Show comments